TikTok MP3 Download
Kunin ang music at original audio ng TikTok video at i-save diretso sa phone o computer. Libre at walang app na kailangang i-install.
May narinig kang magandang kanta habang nag-i-scroll sa TikTok pero hindi mo alam ang title? O gusto mong itago yung viral na voiceover para magamit sa sarili mong video? Para sa TikTok MP3 download, i-paste mo lang ang video link sa box sa itaas at ihihiwalay ng Snaptik ang audio para ma-save mo sa phone o computer. Walang app na kailangang i-install, at hindi mo rin kailangang mag-log in sa TikTok.
Ano ang TikTok MP3 download?
Dalawang bahagi ang bawat TikTok video: ang video mismo at ang tunog. Sa MP3 download, yung tunog lang ang kukunin mo. Puwedeng kanta, background music, usapan o voiceover, at ise-save ito bilang file na mapapakinggan sa kahit anong device. Mas magaan ang audio file kaysa sa video, kaya tipid sa storage at madaling ipasa.
May save button ang TikTok para sa video, pero wala para sa music lang. Doon pumapasok ang Snaptik. I-paste mo ang link, at sa result ay may lalabas na I-download ang audio button katabi ng download button para sa video.
Paano mag-download ng TikTok music sa phone
Gumagana ito sa iPhone at Android. Gamitin mo lang ang browser na nasa phone mo na, gaya ng Safari o Chrome.
- Buksan ang TikTok at puntahan ang video na may audio na gusto mo. I-tap ang Share (yung curved arrow) tapos piliin ang Copy link.
- Buksan ang page na ito sa browser at i-paste ang link sa box. Puwede mo ring i-tap ang I-paste button sa loob ng box.
- I-tap ang Kunin ang MP3 at maghintay ng ilang segundo. Pag lumabas na ang result, piliin ang I-download ang audio.
- Buksan ang file sa downloads ng phone mo. Nasa ibaba kung saan mismo ito makikita.
Saan napupunta ang audio file pagkatapos i-download?
Sa iPhone at iPad, buksan ang Files app, piliin ang On My iPhone, tapos pumunta sa Downloads folder. I-tap ang file para mapakinggan agad, o i-share ito sa ibang app.
Sa Android, nasa Download folder ang file. Hanapin ito gamit ang file manager ng phone mo o ang Files by Google. Sa maraming phone, lumalabas din ito agad sa music app.
TikTok MP3 download sa computer
Mas mabilis pa ito sa PC o laptop:
- Buksan ang video sa tiktok.com at kopyahin ang link sa address bar. Kung nasa phone ang link, i-send mo muna sa sarili mo sa Messenger o Viber, tapos buksan sa computer.
- I-paste ang link sa box sa itaas at i-click ang Kunin ang MP3.
- Piliin ang I-download ang audio. Mapupunta ang file sa Downloads folder.
Kapag nasa iyo na ang file, puwede mo itong ilipat sa phone, i-drag sa CapCut o Premiere para sa video editing, o idagdag sa playlist mo sa computer.
Bakit Snaptik ang gamitin pangkuha ng TikTok music?
Kinukuha ng Snaptik ang mismong audio na pinapatugtog ng TikTok. Hindi ito nire-record ulit mula sa speaker, kaya walang garalgal at walang halong ingay. Lahat ay tumatakbo sa browser, kaya walang app o extension na kailangang i-install. Hindi mo rin kailangang mag-log in sa TikTok o gumawa ng Snaptik account.
Libre ito at walang limit kung ilang beses ka magda-download. Sa isang paste lang ng link, ikaw na ang pipili kung video na walang logo ang kukunin mo o yung music lang.
May audio file ka na, saan mo ito magagamit?
Gawing ringtone sa Android
Pumunta sa Settings, piliin ang Sounds and vibration, tapos Ringtone. Hanapin ang option para magdagdag ng sound mula sa storage ng phone (kadalasan ay + sign o Add) at piliin ang file na na-download mo. Medyo iba-iba ang pangalan ng mga menu depende sa brand ng phone.
Gawing ringtone sa iPhone
Hindi pinapayagan ng iPhone na gawing ringtone agad ang na-download na audio file. Ang madalas na paraan ay gamit ang GarageBand, libreng app ng Apple. I-import ang file mula sa Files app, mag-cut ng part na wala pang 30 segundo, tapos i-export ito bilang ringtone.
Hanapin ang title ng kanta
Kung walang nakalagay na title ng kanta sa video, buksan ang file na na-download mo at gamitin ang Shazam o ang “Search a song” ng Google. Kadalasan mas madaling ma-recognize ang audio na hiwalay na kaysa kung pinapatugtog mula mismo sa video.
Paalala tungkol sa copyright
Karamihan ng music sa TikTok ay pagmamay-ari ng artist, record label, o ng mismong gumawa ng video. Mas mabuting gamitin ang na-download na file para sa personal na gamit, gaya ng pakikinig ulit, ringtone, o pag-aaral. Kung balak mong i-repost ito sa social media o gamitin sa negosyo, humingi muna ng permiso sa may-ari o pumili ng licensed na music. Walang audio file mo na sine-save ang Snaptik sa server nito.
Iba pang tools ng Snaptik
- TikTok video download na walang logo, para mag-save ng high quality na video na walang watermark.
- TikTok photo download, para i-save isa-isa ang mga photo sa slideshow post.
- TikTok Story download, para maitago ang Story bago lumipas ang 24 oras.
Mga madalas itanong
Wala. Libre ang Snaptik, walang limit kung ilang beses ka magda-download at hindi ka pipiliting gumawa ng account.
Baka naka-mute ang video, o tinanggal na ng TikTok ang kanta dahil sa copyright kaya wala nang audio na makukuha. Buksan ulit ang video sa TikTok para makita kung may tunog pa, tapos kopyahin ang link at subukan ulit.
Oo. Kinukuha ng Snaptik ang mismong audio ng video sa TikTok at hindi ito nire-record ulit, kaya pareho lang ng naririnig mo sa app.
Oo. Kapag nag-paste ka ng link ng photo post na may background music, ipapakita ng Snaptik ang download button ng bawat photo at ang I-download ang audio button.
Nasa Files app, sa On My iPhone, sa loob ng Downloads folder.
Hindi. Video link lang ang kailangan mo. Hindi kailanman hihingin ng Snaptik ang TikTok account o password mo.